Wednesday, July 6, 2016

Usapang Pag-ibig

Puppy Love
I was a transferee in our school when I was in Grade 5. At that time, uso pa yung F4 Meteor Garden. Talagang nakiuso din yung mga classmates ko at pati nadin siguro ako. Kasi ganito yun! Kumpleto yung 4 na characters ng F4, may Shan Cai at ang mga friends nila. Ganun kami nuong grade 5. Yung friend ko, gusto nya na sya si Shan Cai kasi may gusto sya sa kaklase ko na parang si Jerry Yan na leader ng groupo. But without knowing, itong leader ng groupo na papangalanan kong Nelgy ay may gusto pala sa akin. Medyo hindi ko napansin. So, feeling ko nuon, yung role ko ay yung friend ni Shan Cai pero gusto ko rin na maging Shan Cai. Char lang! Yung friend ko, talagang close kami at that time. Palagi kaming nagkukwentuhan, pinapapunta nya ako sa bahay nila, kumakain, etc. Yung groupo ni Nelgy ay talagang nakaaligid sa amin. Panay ang asar sa amin, panay ang tingin at papansin. Relate na relate kami sa bawat eksena ng Meteor Garden kasi halos pareho lang ang eksena nito sa school namin. Pag may school activities, ang awkward lang kasi ako yung nagiging ka partner ni Nelgy.
On the first day of school, si Nelgy ang isa sa mga iilan kong napansin sa classroom. I admit, gwapo sya at that time. Tapos, matalino pala sya according to my classmates. Actually, my crush ako sa kanya nuon kaso nga lang, crush din sya ng close friend ko na si Shan Cai. Kaya medyo, talagang umiiwas ako. At saka, I'm really not good in intertaining boys pag nalaman ko na may gusto sila sa akin. Nakalimutan kuna kung nasabi kuba sa friend ko na may crush ako kay Nelgy. Pero kahit hindi ko sabihin, halata naman siguro sa mga kilos at salita ko. At first, hindi ko talaga napansin na may gusto sya sa akin kasi nga ang nasa isip ko, yung friend ko ang gusto nya. His friends were teasing them kasi nga talagang nag eefort yung friend ko na pansinin nya. Medyo turpi kasi si Nelgy. Until time passed by, imbis yung friend ko ang tinatawag na Shan Cai, ako na yung tinatawag nila. So, dun nalaman ko na may gusto nga sya sa akin. Pero para sa akin kasi, naging katuwaan lang nila iyon.
May mga moments na hindi ko nakalimutan yung tulong nya, yung pag effort nya na mapansin ko sya. Kaso nga lang at that time, kalog yung utak ko at pusong bato pa.
May time na dahil sa kakulitan ko, naipit yung mga kamay at paa ko sa bookshelf ng classroom namin at nadamay ang mga siblings ko. Lunch time nang mangyari iyon. So, sigaw kami ng sigaw, walang makatulong sa amin. Buti nalang medyo napaaga sya sa school, nakita nya kaming nag iyakan na. Tinulungan nya kami at humingi ng tulong. Oh, diba?! May superhero kami...I was really thankful at that time.
May moment din na ganito! Sumali ako ng beauty contest. Noong awarding moment na, may mga boys palang magbibigay ng flowers sa amin. Kasama sya sa magbibigay nito. Nag announce na yung host at nagbigay ng go signal na paunahan kung sino sa panalong contestants ang bibigyan nila. Nakita ko sya at yung isang lalaking katabi nya na nag-uusap at parang may pinagtatalunan. Hanggang sa pag go signal na, yung lalaking kausap ni Nelgy ang nakapagbigay sa akin ng flowers. Talagang nakita ko silang dalawa na nag-unahang makaakyat sa stage. Sad to say, naunahan si Nelgy. Infairness, gwapo din yung nagbigay sa akin. Hahaha. A day after, my friends and his friends told me na gustong ibigay ni Nelgy ang flowers na hawak nya at that night. So, parang napaisip rin ako na special nga ako sa kanya.
Another moment ay noong may play na kailangang e portray as Maria and Jesus. Christmas month noong time na yun. This was the most awkward between us. Ako ang naging Maria at sya si Jesus. Napapagalitan ako palagi ng teacher na kumuha sa amin to portray the role kasi nga, may ilangan sa aming dalawa ni Nelgy. Secret nalang ang ibang details nito. Hahaha...
Noong grade 6 mas naging showy na sya. Yung tipong gusto nya akong ihatid sa bahay ng family ko. Pero sa isip ko, ang bata-bata pa namin sa ganitong bagay. Kaya panay ang iwas ko, galit-galitan at hindi namamansin. Hanggang sa panay na ang kulit ng ka groupo nyang F4 sa akin. Pero may nagawa akong hinding hindi ko makakalimutan at sigurado rin ako na hindi rin nya makakalimutan. May gusto syang ibigay na necklace sa akin pero hindi ko tinanggap. It was really a bad idea. Parang at that time, ang insensitive ko sa feelings nya para sa akin. Diba?!
Medyo mahaba pa ito...Putulin ko nalang ang kwento hanggang dito. :)

No comments:

Post a Comment