Wednesday, July 6, 2016

Usapang Pag-ibig

KABABATA CRUSH
Tall, dark and handsome. That's him! My kababata crush. I remember everytime he smiles, I felt like I'm melting. Char! One of my most memorable moments with him was when I participated in a beauty contest. I was in kinder 1 that time. Part of the contest ay ang ilibot ang mga kandidata sa labas ng paaralan habang nakasakay ng pampasaherong bisikleta. Itong si kababata crush na papangalanan ko ng "Natsky" ay sumama. At that time, may kanya-kanya kaming partner ng mga ibang kandidata. Kasi nga friends kami, so parang it's his way of supporting me noong sumama sya. So, andon lang sya sa likod ng bisikleta naglalakad habang kami ay nakasakay. Minsan, napapakapit sya sa sinasakyan namin sa pagod ng paglalakad. Eh kasi naman, sumamasama pa! Haha. Habang inililibot kami ng 'di kalayuan sa school, itong si Natsky panay ang pangungulit at kausap sa akin. Eh ako naman, panay rin ang lingon ko sa kanya habang kinakausap ko sya at minsan naman, talagang kinakalabit nya ako. Nakakatawa talaga yun pero kinikilig ako. Napagsabihan nga ako ng isang nanay sa daan at ang sabi ay, "ano ba yan, paano namin makikita yung kandidata nyo eh panay ang tingin sa likod". Napatahimik at napahiya ako ng slight. Kaya ayun, pinagsabihan ko si Natsky na huwag na mangulit sa akin. Maya-maya ay umalis na sya. Siguro nagtampo sya sa sinabi ko. Another memorable moment ko with Natsky ay ng dinalaw nya ako sa bahay kasama yung mga kaibigan nya. I don't know their purpose. Maybe may dinalaw sila na malapit sa bahay namin at pagkatapos ay dumiretso nalang sa amin. Hehe. Syempre, nagkwentuhan kami medyo hindi katagalan nga lang kasi daw may iba silang lalakarin. Marami akong kilig moments na kasama sya dahil classmates kami mula kinder hanggang grade 4. Haha. Bata palang, ay may kilig-kilig na akong nalalaman. Naputol ang communication namin nuong grade 5 kasi lumipat kami ng family ko malayo sa lugar na iyon. So, hindi na kami magkaklase. Pero pabiro akong nagsabi sa kanilang mga ka klase ko na aalis na ako, na hindi na ako mag-aaral next year sa paaralang ito dahil lilipat na kami ng tirahan. Akala talaga nila, joke lang yun. So, no formal of saying goodbye to them ang nangyari. I was a bit sad and a bit nagsisi na hindi nakapagpaalam sa kanila. Matapos kaming makapaglipat sa bagong tirahan namin at bagong school na papasukan, I tried to get in touch with them pero talagang nahirapan ako kung papaano kasi I don't have their numbers at saka, bawal rin akong magka cellphone nuon. I think 1-3 years after ko sila nahanap through "Friendster". Yan pa kasi yung usong social media nuon. At saka hindi ako mahilig makiuso. Eh, yan yung usong-uso nuon. Hehe. Pero, inisip ko nalang na I'll use "Friendster" to get in touch with them. Kaya ayon, nahanap ko sya pati na yung other classmates and friends ko. We started communicating again. At first, I had hesitations to communicate with him. Syempre, maraming possible nangyari sa panahong iyon. Hiningi ko yung telephone number nya at ibinigay rin naman nya. I was the one who called him first. Finally, nagkausap kami at napakinggan ko ulit yung boses nya. Haha. Madalas sa pagtawag ko sa kanilang bahay, iba yung nakakasagot. I found it pangit pakinggan na ako yung palaging tumatawag sa kanilang bahay. Kaya, 'di kalaunan ay tinigil ko narin ang pag tawag-tawag ko sa kanya. Thankfully, may cellphone narin ako that time at sa cellphone na kami nag communicate. Hanggang sa umabot na kami sa college at nalaman ko na we've attended the same University but of different campus. Who would have thought na habang tumatagal parang papalapit ng papalapit yung pagkikita naming muli. Feeling ko lang yun ha?! I don't know sa side nya. So ayun nga, patuloy yung pag tetext namin but feeling ko wala talaga syang gusto sa akin? Hanggang friendship lang. Everytime may event yung P.E, tinitext ko sya kasi yun lang yung possible na magkakita kami. Kasi iba yung schedules namin and I don't want to sacrifice my classes para lang sa ganitong bagay. Kasi, ang nasa isip ko, if this continues, may possibility na ma apektuhan ang studies ko which I don't want to happen.
Sa university na pinasukan namin, may time kasi sa P.E subject na magkakasama ang lahat ng campus nitong university. There were a couple of times na gusto nyang makipagkita pero ako itong ayaw. At that time, nahihiya pa ako kasi ang payat ko at medyo hindi pa ako maganda. Yung pictures kasi nya sa friendster, lalo pa syang gumwapo. Eh ako?! Hindi kasi ako mahilig umarti sa pisikal kung kaanyuan. Hehe. I just want to be simple yung kung ano ang ibinigay ng diyos sa pisikal kong anyo, walang dapat baguhin. Kaya ayon, siguro nadala na sya sa kakasabi ko na hindi ako pwede ngayon, sa ganitong petsa, atbp. Pero dumating rin ang time na nakita ko syang muli. Yung isa sa big events ng P.E class involving all campuses, part sila ng mga participants. Sila yung nag lead ng exercise. I was texting him kung saang pwesto sila nuon. Hinanap ko talaga sya because I was thinking na baka ito na ang possibling huling pagkikita namin kasi last class na ito sa P.E. Nahirapan kaming dalawa makahanap ng time sa isa't-isa kasi may kanya-kanya pa kaming activities na kailangan tapusin. So, para kaming nagpipingpong. May times na nandito sya sa lugar na ito, tas ako naman nasa kabilang side (vice-versa). My friends were with me and they teased me about him. Kinukwento ko kasi na I had a crush on him. My friends told me that maybe this is the right time to continue our love story in which maybe I'm just the one whose imagining that there's a love story between us. Haha. Tas ayun nga nakahanap ako ng timing. Nakita ko siya kasama yung mga classmates nya na nag lead ng exercise. At first, 'di ko mawari na sya yun kasi biruin nyo ang tagal na kaya namin hindi nagkita. Yung last kita namin ay nuon grade 4 pa tas nakita ko sya 2nd year college na. That's a total of 8 years?! How did I able to identify him? His silver necklace. He still wore that silver necklace on his neck. Also, his physical appearance: tall, dark, and handsome. And...his divided lips and chin. He was still the Napsky I've met before. The matured version nga lang. I confirmed it to him by asking na you were in front of this, and that; you still wore your necklace, etc. He said it was him. I was able to see him but he wasn't able to see me. Nangulit sya sa akin na gusto nya akong makita and I told him na nahihiya pa akong makipagkita sa kanya. Not now. Right after that, our communication became weaker. And....That's the last time I saw him.
Ngayon, may anak na sya. At ako, nanatiling single.

No comments:

Post a Comment